Saturday, October 20, 2007,1:16 AM
inutil(e)


dahan-dahan, unti-unti.
tinangay mo ako roon.
dumausdos ang oras kasabay ng
mapagheleng awitin
na inusal mo ng walang tunog.
liwanag.
matalim.
lahat sa akin ay niragasa mo.
nagpaubaya ako.
nagpatangay.
lahat-lahat para sa iyo.

nakaluhod akong naghintay
sa isang huwad na pag-asa.
hindi ito dumating ngunit
ang aking mukha ay nasa iyong paanan.
marusing.
tumambad ito
sa mga matang mapagkanlong.

pumikit ako ngunit dilat.
nalalapnos ang aking balat.
ang hapdi ay umiindayog
kasabay ng tawa mo
at ng katahimikan ng ligayang
hindi sa atin.
hindi sa akin.

nangungusap ko sa iyo.
wala akong magagawa.
ako ay ako.

maghihilamos ako
ng walang tubig.
 
posted by markie
Permalink ¤